In 2009, I remembered wishing I could travel around the Philippines…not all over the country but just to satisfy my “itchy feet”, or be true to the moles on my legs (believed to signify a person who cannot stay put). That year, I got to go to Sagada, then to Cotabato. It’s the third day of 2011 now and I realized I’ve already fulfilled that wish this past year (2010)…and in fact, for the entire year, I’ve gone to Cebu, Iloilo, Cotabato, Cagayan De Oro, Bukidnon, Davao and Palawan (and some regular trips to the North, where my relatives live)…awesome! Thank you Universe! There are still certain places that I wish to visit, maybe this year or next year, like Batanes, Pagudpud, Sorsogon (whale watching), go back to Palawan (this time to visit Coron or El Nido).

For 2011, my foot is itching to walk around Europe. Yes, that is one of my ultimate dreams! I’ve been drawn to the historic richness of that continent, from the centuries old buildings to the cultures that birthed empires, great philosophies, the arts, and of course my two passions: theater and football. I see myself running from Greece to Rome to the Scandinavian countries then to the UK; and of course, the Netherlands where I feel a deep connection to, sparked early on by the dutch name (or word, Janneke, which means girl) I’ve been baptized with. Why did I choose that name when I incarnated in this life? Is it connected to my life purpose? A reminder of something I have to do in my life? And, most importantly…will I get to go? I’ve done my part, followed my intuition and explored the possibilities (and did the necessary steps)…the best thing I can do now is to nurture the dream in my heart, keep my fingers crossed and leave it up to the Universe! I also hope I can have a side trip to visit my sister in the US, as well as a dear friend who offered a great opportunity that I wasn’t ready to take (or so it seemed), in 2009. Anyway, we’ll see how it goes, but I might as well include this wish in my prayers.

Meanwhile, I’ll be reviewing my past travels and will post them here…including pictures, and of course the valuable lessons I’ve learned from each travel experience. Practical and Spiritual lessons. Because every journey has two aspects, inner and outer. Also, some insights to the places I’ve visited and the people I’ve met these past months.

And hopefully…every year I get to add more exciting adventures to this travel journal.

Malapit nang maging makulay at aktibo ang “travel blog” na ito…at tungkol sa Pilipinas pa! Isa sa mga pangarap ko, ang libutin ang kapuluan at maunawaan nang mas malalim ang katutubong pamumuhay at kultura, upang lalong mapalakas ang aking pagmamahal sa sarili, kapwa at bayan…kaya’t antabay lamang sa aking mga kuwento nang paglalakbay!

Casarap –kay sarap! Breath-taking artistry, natural beauty and sumptuous delicacies, all just a few hours drive from manila to batangas.

Definitely a world I would want to escape to any day…

At ang lahat ng ito ay likha ng dalawang alagad ng Diyos, sina Sister Emma at Sister Insiang, sa kanilang pamumuno at pamamahala. Lahat ng makakain sa Casarap ay mula sa sariling backyard, at mula sa Behia Farm, isang ehemplo ng Natural Farming Methods.

More 3D painting!

A 3D image you that jumps out at you…well, not really coz it’s an artwork that evokes serenity.

Ina at Anak

Pag-aaruga ng Ina sa Anak, a very Filipino scene.

Bus windshield aquarium!

Who would have thought, a bus windshield for an aquarium!

And here is a pictorial with Nature! How wonderful!

Nagtataasang mga Puno

More of Nature's wonders

A lone eggplant waiting to be photographed

It's siesta time for these plants

Good lighting, and nice pose!

A simple flower made golden by the sun's light

My  favorite! A dragonfly ready for take-off!

Blue-shimmer!

Having fun with dragonflies!

Siesta time too for the Herbiiks!

Welcoming committee

Lots more pictures to upload…and lots more to say about this trip. But…I have yet to flex my blogging (especially photo-blogging) muscle.

Ang pagtungo ko ng Sagada noong unang linggo ng Mayo ay nagsimula bilang pagtakas, sa mga problema sa siyudad at mga nagtambakang mga babayarin (bills). Mahigit isang buwan na kaming hindi sinusulweduhan noon, o halos dalawang buwan na nga yun, at may limang daang piso na lang bago umakyat ng sagada. Bagamat ang tunay na pakay ay ang pagbibigay ng PAGASA workshop sa grupong inorganisa ng kaibigan namin doon.

Marami na akong narinig na magandang kuwento tungkol sa Sagada. Maraming naglalaro sa isipan na mga imahe nang rural life, organic food, at kung anu-ano pa. Inasahan kong makita at maranasan ang picture-perfect na pamumuhay, kalikasang walang bahid at ang creative and artistic way of life. Sabihin na lang natin na ibang-iba ang expectation ko at hindi kayang “hulihin” ng mga salita ang napakaganda at kakaibang karanasan ko sa pagtungo roon.

Napakasagana ng Sagada. Ang bawat pagkain ay sariwang-sariwa at punung-puno ng enerhiya. Sa bawat subo ng Paco Salad, Blueberry Yoghurt with Banana, Steamed Vegetables ay ramdam mo ang ginhawa at daloy ng enerhiya mula sa pagkain tungo sa iyong katawan. Aaaahhh! Saraaaap! Sa tuwing gigising ka sa malamig at sariwang hangin, sisilip sa labas ng iyong bintana at makikita ang mga naglalakihang mga puno, at ang mga malalaking bato sa gilid ng bundok, tila ikaw ay bahagi ng kalikasan, kaisa at hindi hiwalay sa iyong kapaligiran, kaisa ng kabuuan.

Experientially, naranasan ko ang ibang klase ng spiritual awakening at communion. Sa isang bundok na buhay na buhay at bagamat may mga lamat na rin ng kasakiman at kawalang-respeto ng mga tao ay malinaw mo pa ring maririnig ang boses ng Sansinukuban, ni Bathala. Kahalintulad ito ng karanasan ko sa Banahaw. Kahalintulad ngunit may kaibahan pa rin.

Isa sa mga mahahalagang naranasan ko doon ay ang matinding KATAHIMIKAN. Sapagkat sa katahimikan mo maririnig ang boses ng iyong tunay na sarili, ng Sansinukuban, ni Bathala. Doon ko narinig ang boses na nagsabi sa akin, Magtiwala ka! Bagamat malaking desisyon ang kinakaharap ko ng mga panahong iyon, walang takot kong inayunan ang boses. Tinanggap ko ang bagong ibinibigay sa akin. At pagkatapos kong gawin iyon –wow! Nakita ko ang pintong aking nabuksan. Pagkakataon, oportunidad, mas malaking posibilidad para sa hinaharap.

Tunay ngang walang ibang hinahangad ang ating mas mataas at mas malaking sarili kundi ang ibigay ang ating kaligayahan. Tunay na kaligayahan!

Bago pa ako maging melodramatic na todo dito, balik muna tayo sa bundok ng Sagada, at pag-usapan natin ang sinabi kong kawalang respeto at ang iba’t ibang bahid ng kasakiman, o sabihin na nating pag-iisip lang ng sariling interes na nasaksihan ko doon.

Sa harap ng una naming tinirhan doon, isang napakagandang “bed and breakfast” na ang may-ari ay masasabi kong tourist spot din dahil sa lawak at lalim ng kaalaman niya tungkol sa kulturang Sagada, at hindi lang sa alam niya ito kundi tunay siyang passionate at ipinaglalaban ito, makikita ang gilid ng bundok at isang hanging coffin. Ang gandaaaa talaga ng view. Pwera na lang sa mga pinutol at medyo nakakalbong bahagi ng bundok sa kabilang gilid. Ok lang naman na kumuha ng mga puno para magamit sa pansariling konsumo, pero sana alam rin natin ang responsibilidad natin na magtanim ng bago, at yung wag ubusin porke nasabing ikaw ang may-ari, sa totoong buhay wala namang tunay na may-ari. Hindi naman natin pag-aari ang lupa, bundok, hangin, halaman, at hayop. Tayo ay tagapangalaga ng mga ito. Tulad nating mga tao, wala namang puwedeng magsabing tayo ay pag-aari nila. Bakit kapag tayo ay inaangkin ng iba galit na galit tayo? Pero pagdating sa ibang bagay na nabubuhay, hindi natin ibinibigay sa kanila ang respetong nais natin para sa ating sarili?

Ok, from melodramatic, naging agit naman ako…pero, honestly ito talaga ang pinakanakakainis sa ating mga tao, di natin nakikita ang tunay na papel natin sa mundo, ang tunay nating “power”…

Dahil gabi na at ang bago kong vow ay matulog ng maaga at magising ng maaga, itutuloy ko ang pagbabalik-tanaw at pagsusulat tungkol sa aking “memorable experience”. Hehe, ang high school. Or ang elementary.

At syempre, magnenenok ako ng mga sagada pictures ng mga kaibigan ko. Definitely need a camera. Digital or Lomo. Basta.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.